Halimbawa ng mga Tula

Maraming magagandang halimbawa ng tula sa wikang pilipino.

Mga Halimbawa ng Tula

Tula Tungkol sa Pagibig:

Jose Corazon de Jesus, 1926

Isang aklat na maputi, ang isinulat: Luha!
Kaya wala kang mabasa kahit isa mang talata;
Kinabisa at inisip mulang ating pagkabata;
Tumanda ka’t nagkauban, hindi mo pa maunawa.

Ang Pag-ibig, isipin mo, pag inisip, nasa-puso!
Pag pinuso, nasa-isip, kaya’t hindi mo makuro.
Lapitan mo nang matagal ang pagsuyo’y naglalaho;
Layuan mo at kay-lungkot, nananaghoy ang pagsuyo!

Ang Pag-ibig na dakila’y aayaw nang matagalan,
Parang lintik kung gumuhit sa pisngi ng kadiliman.
Ang halik na ubos-tindi, minsan lamang nahalikan,
At ang ilog kung bumaha, tandaan mo’t minsan lamang.

Ang Pag-ibig kapag duwag ay payapa’t walang agos,
Walang talon, walang baha, walang luha, walang lunos!
Ang Pag-ibig na matapang ay puso ang inaanod,
Pati dangal, yama’t dunong nalulunod sa pag-irog!

Ang Pag-ibig na buko pa’y nakikinig pa sa aral,
Tandang di pa umiibig, nakikita pa ang ilaw,
Ngunit kapag nag-alab na pati mundo’y nalimutan —
Iyan, ganyan ang Pag-ibig, damdamin mo’t puso lamang!

Kapag ikaw’y umuurong sa sakuna’t sa panganib
Ay talagang maliwanag at buo ang iyong isip:
Takot pa ang pag-ibig mo, hindi ka pa umiibig:
Pag umibig, pati hukay aariin mong langit!

Ang Pag-ibig ay may mata, ang Pag-ibig ay di bulag;
Ang marunong umibig, bawat sugat ay bulaklak:
Ang pag-ibig ay masakim at aayaw ng kabiyak;
O wala na kahit ano, o ibigay mo ang lahat!

“Ako’y hindi makasulat at ang Nanay ay nakabantay!”
Asahan mo, katoto ko, hindi ka pa minamahal!
Ngunit kapag sumulat na sa ibabaw man ng hukay,
Minamahal ka na niya nang higit sa kanyang buhay!

Kayong mga kabataang pag-ibig ang ninanais,
Kayong mga paruparong sa ilawan lumiligid,
Kapag kayo’y umiibig na, hahanapin ang panganib,
At pakpak ninyo’y masusunog sa pag-ibig!

Singsing ng Pagibig

Ah! Sayang na sayang, sayang na pag-ibig,
Sayang na singsing kong nahulog sa tubig;
Kung ikaw rin lamang ang makasasagip,
Mahanga’y hintin kong kumati ang tubig!

(This Tagalog poem was written by Jose de la Cruz.)

tnx.nakakuha ako nga sagot ng asignment ng pinsan ko

katherine reyes says:

sna may yula nmn na para sa taong iniwan ka at pinagpalit sa best friend mo!

irish says:

ikaw nah

like it
this poem is the famous/wonderfull I’ve ever read

thanks for the answer

Leif says:

nice one ^_^

francisco jenilyn says:

ganda ng tula, nkakaPukw damdamin

ang gusto kong tula tungkol sa aking mahal na ako ay niluko at pinag palit sa iba meron ba non

masaya ako dahil naging pilipino ako dilang ssa sport tayo magaling kundi sa paggawa ng tula at musika

honeycuu18 says:

wata nyc poem !! :))

sharie says:

…amazing filipino poems…
and folks……

camille says:

chalamat dhil nkita ko ang aming projecto:)

BETH says:

I REALLY APPRECIATE THIS POEM.

rv cantomayor says:

i love poem

kate says:

very good na tula. meaningful!!!!!!!!!!!!!!

hazel salagan says:

ang ganda po ng inyong ginawang tula

hunny chiiwa says:

nakaka touch

tEinkx ! powh at nkakuha co ng assignment !! `

nikka says:

tnx. nka tuLong kahiT papano to

ang ganda nakakainlab

christine mae babiera says:

wow! nakaka relate talaga ako

nona says:

wow shet is poem

ang ganda-ganda nakaka-inspired

napakagaling at napakaganda napakahusay, gusto kng matutung manulat ktulad ng tulang iyan!!