Halimbawa ng Tula

TULA: Pag-ibig sa Tinubuang Lupa

Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya Sa pagkadalisay at pagkadakila Gaya ng pag-ibig sa tinub’ang lupa? Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala… Walang mahalagang hindi inihandog Ng may pusong mahal sa Bayang kumupkop; Dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod, Buhay ma’y abuting magkalagot-lagot…

Tags: , , , ,

Posted in: Halimbawa ng Tula | Comments Off

Sa Mga Bulaklak Ng Heidelberg

Sa Mga Bulaklak Ng Heidelberg ni Jose Rizal Pumaroon kayo, inyong ibalitang madilim-dilim pa, Kung kayo, sa bati ng bukang-liwayway, ay bumubukad na, Sa pampang ng Neckar na lubhang malamig ay naroon siya, At sa inyong tabi’y inyong namamasid na parang estatuwa, Ang Tagsibol doong hindi nagbabago’y binubulay niya.

Tags: , ,

Posted in: Halimbawa ng Tula | Comments Off

Halimbawa ng Tula: Awit Ng Manlalakbay

Awit Ng Manlalakbay ni Jose Rizal Kagaya ng dahong nalanta, nalagas, Sinisiklut-siklot ng hanging marahas; Abang manlalakbay ay wala nang liyag, Layuin, kalulwa’t bayang matatawag.

Tags: , ,

Posted in: Halimbawa ng Tula | Comments Off

Halimbawa ng Tula: Tula ng Birhen

Tula ng Birhen ni Jose Rizal Ikaw na ligaya ng tanang kinapal, Mariang sakdal tamis na kapayapan, Bukal ng saklolong hindi naghuhumpay, Daloy ng biyayang walang pagkasyahan.

Tags: , ,

Posted in: Halimbawa ng Tula | Comments Off

Halimbawa ng Tula: Sa Kabataang Pilipino

Sa Kabataang Pilipino Jose Rizal Itaas ang iyong noong aliwalas ngayon, Kabataan ng aking pangarap! ang aking talino na tanging liwanag ay pagitawin mo, Pag-asa ng Bukas!

Tags: ,

Posted in: Halimbawa ng Tula | Comments Off