Halimbawa ng Tula: Tapunan ng Lingap

Halimbawa ng Tula: Tapunan ng Lingap ni Andres Bonifacio Sumandaling dinggin itong karaingan Nagsisipag-inot magbangon ng bayan, Malaong panahon na nahahandusay Sa madlang pahirap sa Kastilang lalang. Nangasaan ngayon, mga ginigiliw, Ang tapang at dangal na dapat gugulin? Sa isang matuwid na kilala natin Ay huwag ang gawang pagtataksil.

TULA: Pag-ibig sa Tinubuang Lupa

Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya Sa pagkadalisay at pagkadakila Gaya ng pag-ibig sa tinub’ang lupa? Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala… Walang mahalagang hindi inihandog Ng may pusong mahal sa Bayang kumupkop; Dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod, Buhay ma’y abuting magkalagot-lagot…