Recent Articles

Halimbawa ng Tula: Sa Aking Mga Kabata

Sa Aking Mga Kabata ni Jose Rizal

Kapagka ang baya’y sadyang umiibig
Sa langit salitang kaloob ng langit
Sanlang kalayaan nasa ring masapi

Read More..

Halimbawa ng Dula: Himala

DULA: Himala – sa panulat ni Ricky Lee

Act 77. Sa Kalsa. Umaga.
Sa burol ay parang karnabal uli. Pero mas malala. Di malaman kung sino ang mas may sakrt, ang mga nakaratay sa tolda, o ang mga nagbabangag sa tabing daan, o ang mga nakikipaghilahan na customers. Paikut-ikot si Aling Pising, kasingdusing pa rin noon pero wala nang kargang anak. Nagbebenta uli ng benditadong tubig si Mrs. Alba at ang Siyete Apostoles. Nagmamando si Baldo sa pila ng mga pasyenteng ayaw makinig. Hinahampas ng init ng araw lahat ng tao pero walang umaalis. Nakalutang sa hangin ang mga problema at dasal. Read More..

Ano ang Epiko?

Ano ang Epiko? Ang epiko ay mahabang salaysay na patula. Ito ay karaniwang inaawit o binibigkas. Ang epiko ay madalas na patungkol sa mahiwagang pangyayari o kabayanihang kinapapalooban ng mga paniniwala, mga kaugalian, at mga huwaran sa buhay ng mga sinaunang mamamayan ng isang bayan. Ang salaysay ay umiikot sa kabayanihan ng pangunahing tauhan. Ang kwento ay hango kung minsan sa mga karaniwang pangyayari ngunit ang mga tauhan ay kadalasang hango sa mga hindi pangkaraniwang nilalang na mayroong pambihirang katangian

Read More..

Buod ng Ikatlong Kabanata ng Noli Me Tangere

Isa-isa nang nagtungo ang mga panauhin sa hapag kainan, matapos na sila ay tawagin ng utusan. Marami ang pumuri sa kainaman ng handa. Nang ihain na ang tinola, napatama kay Padre Damaso ang pinggang may lamang maraming upo at sabaw. Samantalang ang kay Ibarra ay mga laman. Nakita ito ni Padre Damaso, kaya nang matapos niyang durugin ang upo at higupin ang sabaw ay malakas na binagsak ang kanyang kutsara at biglang isinulong ang pinggan.

Read More..

Buod ng Ikalawang Kabanata ng Noli Me Tangere

Patuloy ang kasiyahan ng mga panauhin sa handaan. Ngunit napatigil ang lahat nang dumating si Kapitan Tiyago na kasama si Don Crisostomo Ibarra na kagagaling lamang ng Europa. Namutla at nandilat si Padre Damaso sa pagkakita sa panauhin. Ikinagulat ni Ibarra ang hindi pakikipagkamay ni Padre Damaso at pagtanggi nito sa matalik na pagkakaibigan nila ng kanyang ama. Ibinaling naman ni Tenyente Guevarra ang atensiyon ni Ibarra sa kanya nang ito’y kanyang batiin at purihin ang kanyang ama.

Read More..

Ano ang Sanaysay?

Ang sanaysay o essay sa ingles ay nagmula sa salitang Latin na exagium na nanggaling naman sa pandiwa na exagere na nangangahulugang “gawin, magpaalis, magtimbang, magbalanse.”

Noong huling bahagi ng ika-16 na dantaon, sa pamamagitan ng inilathalang sulatin ng Pranses na si Michel Eyquiem de Montaigne na pinamagatang Essais, naitakda ang kahulugan ng essay ayon sa naging hangarin ng manunulat na maging isang pagtatangka na makapagpahayag ng mga kuro-kuro at karanasan ang sulatin. Read More..

Buod ng Unang Kabanata ng Noli Me Tangere

Magtatapos na ang Oktubre nang si Don Santiago de los Santos na kilala sa tawag na Kapitan Tiyago ay nagdulot ng isang hapunan sa kaniyang tahanan sa dakong tabi ng Anloage. Halos mapuno ang tahanan ni Kapitan Tiyago ng mga kaibigan, kakilala at pati na rin ng mga taong hindi inimbita.

Read More..

Mga Halimbawa ng Bugtong

Mga halimbawa ng Filipinong Bugtong (Rhymes)

  1. Dalwang magkaibigan. Habulan ng habulan – PAA
  2. Hindi hari, Hindi pari. Nagsusuot ng sari-sari. – SAMPAYAN
  3. Hindi tao, hindi ibon. Bumabalik ‘pag itapon. – YOYO
  4. Mataas kung nakaupo. Mababa kung nakatayo. – ASO
  5. Bahay ni Tinyente. Nag-iisa ang poste. – PAYONG
  6. Palda ni Santa Maria. Kulay ay iba-iba. – BAHAGHARI
  7. Ako ay may kaibigan. Kasama ko kahit saan. – ANINO
  8. Hayan na, Hayan na. ‘Di mo pa makita. – HANGIN
  9. Iisa ang pasukan. Tatlo ang labasan. – DAMIT
  10. Eto na si Kaka, bubukabukaka. – GUNTING
  11. Nagtago si Pedro, labas ang ulo. – PAKO
  12. Hindi reyna. Hindi prinsesa. Ngunit may korona. – BAYABAS
  13. Isang magandang dalaga. ‘Di mabilang ang mata. – MAIS
  14. May langit. May lupa. May tubig. Walang isda. – BUKO
  15. Dalawang batong itim, malayo ang mararating. – MATA
  16. Bahay ni Mang Pedro, punong-puno ng bato. – PAPAYA
  17. Hinila ko ang baging, sumigaw ang matsing. – KAMPANA
  18. Sa isang kalabit, may buhay na kapalit. – BARIL
  19. Isang prinsesa, nakaupo sa tasa. – KASOY
  20. Nagbibigay na, sinasakal pa. – BOTE

Mga Salik ng Maikling Kwento

Ang maikling kwento ay mayroong tatlong salik: ang Tauhan, Tagpuan, at Banghay. Sa pamamagitan ng mga ito naihahatid ng isang manunulat mga kwentong nabuo sa kanyang isip.

Ang Tauhan ang siyang nagdadala ng suliranin at nagiging basehan sa kung anong magiging takbo ng kwento. May tatlong dimensyon na naglalarawan sa isang tauhan. Iyon ay ang pisikal (pisikal na anyo ng mga tauhan), pisiyolohikal (estado sa lipunan ng tauhan) , at sikolohikal (mga paniniwala ng tauhan). Read More..

Ano ang Maikling Kwento?

“Ang maikling kwento ay isang akdang pampanitikang likha ng guniguni at salagimsim na salig sa buhay na aktuwal na naganap o maaaring maganap.” Ito ay ayon sa kinikilala ng mga dalubhasa na ama ng makabagong maikling kwento na si Edgar Allan Poe.

Walang hanggan ang maaring paksain ng manunulat ng maikling kwento. Ang mga kwento’y maaring maging hango sa mga pangyayari sa totoong buhay, at maaari rin namang patungkol sa kababalaghan at mga bagay na hindi maipaliwanag ng kaalaman. Read More..