Mga Tauhan ng El Filibusterismo
Ang mga tauhan sa nobelang El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal
- Simoun – ang mayamang mag-aalahas, na nakasalaming may kulay, na umano’y tagapayo ng Kapitan Heneral ngunit siya ay si Crisostomo Ibarra na nagbalik upang maghiganti sa kanyang mga kaaway.
- Isagani – ang makatang kasintahan ni Paulita, pamangkin ni Padre Florentino.
- Basilio – ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli.
- Kabesang Tales – ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay-ari ng lupang sinasaka na inaangkin ng mga prayle.
- Tandang Selo – ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo.
- Senyor Pasta – Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal.
- Ben Zayb – ang mamamahayag sa pahayagan.
- Placido Penitente – ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning pampaaralan.
- Padre Camorra – ang mukhang artilyerong pari.
- Padre Fernandez – ang paring Dominikong may malayang paninindigan.
- Padre Florentino – ang amain ni Isagani
- Don Custodio – ang kilala sa tawag na Buena Tinta
- Padre Irene – ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila
- Juanito Pelaez – ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang angkang may dugong Kastila
- Macaraig – ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan.
- Sandoval – ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral
- Donya Victorina – ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita.
- Paulita Gomez – kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez.
- Quiroga – isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas.
- Juli – anak ni Kabesang Tales at katipan ni Basilio.
- Hermana Bali – naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra.
- Hermana Penchang – ang mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Juli.
- Ginoong Leeds – ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa perya.
- Imuthis – ang mahiwagang ulo sa palabas ni Ginoong Leeds
