Tula, Bugtong, Dula, Buod at Istorya ng Pilipino

Talambuhay ni Jose Rizal
Si Dr. Jose Rizal (Buong Pangalan: José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda) ay nabuhay mula Hunyo 19, 1861 hanggang Disyembre 30, 1896. Si Dr. Jose Rizal ang pambansang bayani ng Pilipinas at siya ay ang pampito sa labing-isang anak ng mag-asawang Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at ng asawa nitong si Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos. Ipinanganak si Jose Rizal sa Calamba, Laguna. Ang kanyang mga kapatid ay sina Saturnina, Paciano, Narcissa, Olimpia, Lucia, Maria, Jose, Concepcion, Josefa, Trinidad at Soledad.

talambuhay ni njose rizal

Ang ina ni Jose Rizal ay siyang kaniyang unang guro at nagturo sa kaniya ng abakada noong siya ay tatlong taon pa lamang. Noong siya naman ay tumuntong ng siyam na taon, pinadala siya sa Biñan, Laguna upang mag-aral sa ilalim ng pamamatnubay ni Justiano Aquino Cruz. Ilang buwan ang nakalipas, pinayuhan niya ang magulang ni Rizal na pag-aralin siya sa Maynila. Ang Ateneo Municipal de Manila ang unang paaralan sa Maynila na kaniyang pinasukan noong ikadalawa ng Enero 1872. Ayon sa isang salin ng Noli me tangere ni Guzman atbp., sa kaniyang pananatili sa paaralang ito, natanggap niya ang lahat ng mga pangunahing medalya at notang sobresaliente sa lahat ng aklat. Sa paaralan ding ito niya natanggap ang kaniyang Batsilyer sa Sining na may notang sobresalyente kalakip ang pinakamataas na karangalan.

Nang sumunod na taon, siya ay kumuha ng Pilosopiya at Panitikan sa Pamantasan ng Santo Tomas. Sa Ateneo, kasabay niyang kinuha ang agham ng Pagsasaka. Pagkaraan, kinuha niya ang kursong panggagamot sa nasabing Pamantasan (Santo Tomas) pagkatapos mabatid na ang kaniyang ina ay tinubuan ng katarata. Noong Mayo 5, 1882, nang dahil sa hindi na niya matanggap ang tagibang at mapansuring pakikitungo ng mga paring Kastila sa mga katutubong mag-aaral, nagtungo siya sa Espanya. Doo’y pumasok siya sa Universidad Central de Madrid, kung saan, sa ikalawang taon ay natapos niya ang karerang Medisina, bilang “sobresaliente” (napakahusay). Nang sumunod na taon, nakamit niya ang titulo sa Pilosopiya-at-Titik. Naglakbay siya sa Pransya at nagpakadalubhasa sa paggamot ng sakit sa mata sa isang klinika roon. Pagkatapos ay tumungo siya sa Heidelberg, Alemanya, kung saan natamo pa ang isang titulo.

Sa taon din ng kaniyang pagtatapos ng Medisina, siya ay nag-aral ng wikang Ingles, bilang karagdagan sa mga wikang kaniya nang nalalaman gaya ng Pranses. Isang dalubwika si Rizal na nakaaalam ng Arabe, Katalan, Tsino, Inggles, Pranses, Aleman, Griyego, Ebreo, Italyano, Hapon, Latin, Portuges, Ruso, Sanskrit, Espanyol, Tagalog, at iba pang mga katutubong wika ng Pilipinas.

MAITUTURING na nagmula sa may kayang pamilya ang ating pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal. Ang kanyang amang si Don Jose ay isang magsasaka ng tubo, at katiwala ng malawak na lupain. Samantalang ang kanyang inang si Donya Teodora ay may mataas na pinag-aralan na bihira sa kababaihan noong panahong iyon.

Ang pamilya Rizal ay nakatira sa kongkretong bahay na may malawak na hardin, pribadong aklatan, kung saan matatagpuan ang daan-daang kolek-siyon ng aklat. Bagaman at maraming kapatid na babae si Jose o Pepe na maaaring mag-alaga sa kanya, kumuha pa ang kanyang ama ng yaya na siyang nag-alaga sa kanya.

Si Donya Teodora naman ang sumubaybay sa panimulang edukasyon ng batang Rizal. Tinuruan niya itong magbasa, magdasal, at magrosaryo. Kalaunan ay kumuha rin ng pribadong tagapagturo ang kanyang mga magulang para magturo sa pagbabasa, pagsulat, gayundin sa pag-aaral ng Latin.

Dahil sa pagkakaroon ng maraming aklat sa bahay at paghikayat ng kanyang mga magulang kung kaya’t labis na nagkahilig ang batang si Pepe sa higit pang pag-aaral at pagkatuto hanggang sa mga huling bahagi ng kanyang buhay. Siyam na taong gulang si Jose nang dalhin siya ng kanyang ama sa Binan, Laguna, upang ipagpatuloy ang kanyang pormal na pag-aaral.

Hindi maganda ang karanasan ni Rizal sa paaralang iyon, anupa’t naisulat niya sa kanyang tala-arawan ang pagkakatanggap ng palo mula sa kanyang guro na may istriktong pamamaraan ng pagtuturo. Sa kabila ng kanyang pagiging mabuting bata, bihira ang araw na hindi napapalo ang kanyang mga palad.

Ayaw ni Rizal sa gayong paraan ng pagtuturo, at ito ay nabanggit niya sa kanyang nobelang Noli Me Tangere, na tumutukoy sa hindi magandang epekto ng ganoong paraan sa asal at isipan ng mga bata. Aniya, imposible ang makapag-isip nang maayos sa harap ng patpat na pamalo at latigo, at matatakot maging ang isang batang matalino.

Noong 1872, nagpatala si Rizal sa Ateneo Municipal para sa digri sa Batselor sa Sining. Ang kakaibang espiritu ng kumpetisyon at personal na disiplina ay nagpaibayo sa panibagong interes para siya ay lalong pang matuto.

Ang kanilang klase ay hinati sa dalawang grupo. Ang unang grupo ay tinawag na Romano samantalang ang ikalawa ay tinawag na Carthaginian. Ang mga miyembro ng grupo ay inihahanay sa kanilang tagumpay sa kanilang pang-araw-araw na leksiyon.

Nagsimula si Rizal sa grupong Carthaginian na nasa hulihan ng talaan, pero makaraan ang isang buwan, siya ay tinanghal na emperador at ginawaran ng estampita. Nagtamo rin siya ng mga medalya at pagkilala dahil sa kanyang termino at nananatiling tumatanggap ng markang pinakamahusay sa halos lahat ng kanyang mga aralin.

Nang lumaon ay nag-aral siya ng medisina sa Unibersidad ng Santo Tomas kasabay ng pag-aaral niya ng surveying sa pagtuturo ng mga Heswita. Nang siya ay 17 taong gulang ay nagtungo siya sa Espanya upang mag-aral sa Universidad Central de Madrid. Noong 1885 ay pareho niyang natapos ang kursong medisina at pilosopiya.

Dahil sa espiritu ng liberalismo sa Europa kaya’t mas lumawak ang kanyang interes. Nag-aral siya ng iba’t ibang lengguwahe, naglakbay sa maraming bansa, kasabay ng kanyang aktibong kampanya para sa reporma sa Pilipinas. Isinulat niya ang isa pang nobela, ang El Filibusterismo at nagsalin ng Sucesos de las Islas Filipinas, kung saan kanyang itinuwid ang mga pagkakamali sa nakatalang kasaysayan ng Pilipinas. Nagbigay din siya ng mga kontribusyon sa La Solidaridad, ang pahayagan ng mga repormistang Pilipino sa Espanya.

Nang siya ay magbalik sa Pilipinas noong 1892, ipinatapon siya sa Dapitan ng pamahalaang Espanyol, dahil sa umano’y pag-iingat ng mga subersibong papeles. Papunta siya sa Cuba upang magsilbi bilang boluntaryong doktor nang sumiklab ang rebolusyon sa Pilipinas. Hinuli siya at kinasuhan ng rebelyon at sedisyon.

Noong Disyembre 3, 1896, binaril siya sa Luneta. Ayaw ni Rizal na barilin siya nang nakatalikod kagaya ng isang traydor, pero hindi pinayagan ang kanyang hiling na barilin na nakaharap sa firing squad. Sa oras ng eksekyusyon, nang marinig ni Rizal ang mga putok, ay ipinihit niya ang kanyang katawan. Bumagsak siyang patihaya, paharap sa sumisikat na araw sa umagang iyon ng Disyembre – kagaya ng isang kagalang-galang na tao na dapat na pagkilala sa kanya. Si Dr. Jose Rizal ay itnuturing na pambansang bayani ng mga Pilipino.

via Wikipedia

Halimbawa ng Tula: Tapunan ng Lingap
Halimbawa ng Tula: Tapunan ng Lingap ni Andres Bonifacio

Sumandaling dinggin itong karaingan

Nagsisipag-inot magbangon ng bayan,

Malaong panahon na nahahandusay

Sa madlang pahirap sa Kastilang lalang.

Nangasaan ngayon, mga ginigiliw,

Ang tapang at dangal na dapat gugulin?

Sa isang matuwid na kilala natin

Ay huwag ang gawang pagtataksil.

At ating lisanin ang dating ugali

Na ikinasira ng taas ng uri,

Ang bayang Tagalog ay may asa dili

Ang puring nilupig ng bakang maputi.

Aanhin ang yama’t mga kapurihang

Tanawin ng tao at wikang mainam

King mananatili ina nating Bayan

Sa Kastilang ganid, Kastilang sungayan?

Kaya nga halina, mga kaibigan,

Kami ay tulungang ibangon sa hukay

Ang inang nabulid sa kapighatian

Nang upang magkamit ng kaligayahan.

Mga kapatid ko’y iwaksi ang sindak

Sa mga balita ng Kastilang uslak;

Ugali ng isang sa tapang ay salat

Na kahit sa bibig tayo’y ginugulat.

At huwag matakot sa pakikibaka

Sa lahing berdugo na lahing Espanya;

Nangaririto na para mangga-gaga,

Ang ating sarili ibig pang makuha.

Sa Diyos manalig at huwag pahimok

Sa kaaway natin na may loob hayop,

Walang ginagawa kundi ang manakot

At viva nang viva’y sila rin ang ubos.

Ay! Ang lingap mo po, nanunungong langit,

Diyos na poon ko’y huwag ipagkait

Sa mga anak mong napatatangkilik

Nang huwag lumbagos sa masamang hilig.

Kupkupin mo nama’t ituro ang landas

Ng katahimikan at magandang palad;

Sa pakikibaka’y tapunan ng lingap,

Kaluluwa naming nang di mapahamak.

Halimbawa ng Tula: Bawal Magbasa
Bawal Magbasa ni Joseph T. Salazar

Babae ang nagturo sa aming bayan

kung paano bumasa.

Buong yabang ko itong iniliham

kay Chaya, isang kaibigang nananahan

sa isang kubling bayan sa Gitnang Silangan

kung saan ipinagbabawal ang pagbasa

sa kababaihan.

Aniya’y malaking kabalintunaan

sa kapal ng telang nakabalabal

sa mga babae sa kanilang bayan,

tanging mata na lamang

ang nagagamit nila ng malaya,

hindi pa sila nakababasa.

Maghapon silang nakatunganga,

minamasdan ang kubling balarila

ng mga bagay sa paligid,

upang maranasan kung paano kumatha

at gumawa ng talinghaga.

At wari bawal na pag-ibig,

makikipagtalik sila sa papel at tinta

sa dilim  ng mga silid na nakapinid.

Kaya huwag daw akong mag-alala,

wika ni Chaya, kaunting panahon na lang

at magiging katulad na rin nila

ang mga babae sa aking bayan.

Aniya’y di makubli ng kanilang mga mata

ang bagong mga katha at taling haga

sa kapaligirang kinamulatan

na ngayon natututo na silang magtanong

at magtaka.

Minsan ipinagyabang ko kay Chaya

na mga babae ang  nagtuturong magbasa

sa aming bayan, ako ang napahiya.

Marami mang libro ang nagkalat

sa aming bayan, hindi ko maipapaliwanag

kung bakit sa dakong ito ng mundo

salat na salat ang tao

sa katha at talinghaga.

Buod ng Florante at Laura
Marami sa ating mga filipino ang naghahanap Tagalog version ng buod ng Florante at Laura.

Buod ng Florante at Laura ni Francisco Baltazar aka Francisco Balagtas:

Sa umpisa ng Florante at Laura, matatagpuan natin si Florante (anak nina Duke Briseo at ni Prinsesa Floresca) na nakagapos sa puno ng higuera (Fig Tree) sa kagubatan sa labas ng Albanya. Napapaligiran siya ng dalawang leon, na handa nang dambahan si Florante. Sa kabutihang palad, naglalakad din sa kagubatan si Aladin, isang Morong taga-Persya. Anak siya ni Sultan Ali-Adab. Nilisan niya ang kanyang sariling bayan, sapagkat inagaw sa kanya ng sariling ama si Flerida, ang kasintahan ni Aladin.

Narinig ni Aladin sa mga sigaw ni Florante ang mga kuwento ng mga kasamaang ginawa sa Albanya, ang pagpatay sa hari at ng mga ka-alyado nito, at ang di umano’y pagtataksil ni Laura (kasintahan ni Florante). Natagpuan ni Aladin si Florante, at pinatay niya ang mga leon bago pa nila nasaktan si Florante. Tinulungan niya si Florante sa pagkagapos nito, ang magdamag niyang binantayan.

Ikinuwento ni Florante na pinadala siya sa Atenas nuong siya’y 11 taong gulang upang mag-aral. Duon niya nakilala ang kanyang kababayang si Adolfo, na siyang anak ni Conde Sileno. Si Adolfo ay hinahangaan ng kanyang mga guro, pati na rin ng sampu niyang kamag-aral, sapagkat si Adolfo ay mabait at napakatalino. Subalit pagkaraan ng anim na taon, nahigitan ni Florante si Adolfo at duon lumabas ang tunay na kulay nito. Sa isang dula-dulaan, tinangka ni Adolfo na totohanang tagain si Florante. Mabuti na lang at niligtas si Florante ni Menandro, ang pamangkin ng gurong si Antenor. Kinabukasan, pinauwi si Adolfo sa Albanya.

Nanatili si Florante sa Atenas ng isa pang taon, nang makatanggap siya ng sulat mula sa kanyang ama. Ang balita ay pumanaw na raw ang ina ni Florante. Pagkaraan ng dalawa pang buwan, nakatanggap muli ng liham si Florante — pinapauwi na siya sa Albanya.

Nung pauwi na si Florante, humingi ng saklolo sa kanya ang hari ng Krotona, sapagkat ang kaharian nila ay sinasalakay ng hukbong Persiya, sa pamumuno ni Heneral Osmalik. Ipinakilala ni Duke Briseo si Florante kay Haring Linceo, at si Florante ay ginawang kumander ng hukbong Krotona. Sa palasyo, nakilala ni Florante si Laura, ang napakagandang anak ni Haring Linceo. Bago siya sumali sa digmaan, ipinahayag ni Florante kay Laura ang kanyang saloobin. Nagapi ni Florante si Heneral Osmalik sa loob ng limang oras. Nanatili naman si Florante sa Krotona ng limang buwan pa.

Dahil sa nais na niyang makapiling si Laura muli, bumalik si Florante sa Albanya. Nagtaka siyan nang madatnan niyang nagwawagayway ang bandilang Moro sa kanyang kaharian. Laking gulat na lang niya nang makita niyang pupugutan na ng ulo ang isang babae. Kinalaban ni Florante ang hukbong Persya (sa pamumuno ni Aladin), at pinalaya niya ang kanyang bayan, pati na rin sina Haring Linceo, Duke Briseo, at Adolfo (na nakapiit nuon sa kulungan).

Sinalakay naman ni Miramolin ang Albanya, ngunit nabigo sila kay Florante. Pagkatapos ng labanan, 17 na hari ang sumuko kay Florante. Siguro napagod si Florante, kaya nagbakasyon muna siya sa Etolia. Isang araw, nakatanggap muli siya ng sulat mula sa hari — pinapabalik siya muli sa Albanya.

Pagbalik ni Florante sa kanyang kaharian, hinuli siya ng hukbong Albanya (30,000 ang bilang ng mga sundalo). Malamang kinakabahan sila gawa ng military record ni Florante, kung kaya’t medyo “overkill” ang paghuli sa kanya.

Ipiniit si Florante sa kulungan (utos ni Adolfo, na siyang pasimuno ng kudeta, at siya ring pumatay kay Haring Linceo at Duke Briseo habang malayo si Florante).

Pagkaraan ng 18 na araw, pinagapos si Florante sa puno duon sa gubat upang kainin siya ng mga mababangis na hayop. Masuwerte siya at kahit dalawang araw nang nakalilipas, hindi pa siya kinakain ng mga hayop. At higit na mapalad siya nang dumating si Aladin, sapagkat nagugutom pala ang leon kapag dalawang araw na silang hindi kumakain.

Habang nagkwekwentuhan si Florante at Aladin, nakarinig sila ng dalawang babaeng nag-uusap.

Unang Babae: “Nung narinig ko na pupugutan ang aking kasintahan, pumayag ako na magpakasal sa Sultan basta’t hindi na matutuloy ang parusang kamatayan. Buti na lang ang pinalaya ang mahal ko. Nung gabing iyon, nagsuot sundalo ako at tumakas ako. Ilang taon na rin akong pagala-gala bago kita natagpuan dito sa gubat.”

Ikinuwento naman ni Laura ang mga nangyari sa Albanya habang wala si Florante: Inagaw ni Adolfo ang trono, pinugutan ng ulo ang hari at ang mga ka-alyado nito. Sinabi rin ni Laura na sinubukan niyang padalhan ng liham si Florante para malaman niya ang mga kaganapan sa Albanya.

Sinabi rin niya na naghayag ng pag-ibig si Adolfo, at humingi si Laura ng 5 buwan upang pag-isipan ito. Dahil sa hindi makuha ni Adolfo ang puso ni Laura, pinagtangkaan na lang niyang gahasain ito… sa gubat. Makalipas ang dalawang araw lamang mula nung ipinagapos si Florante sa puno. Mga 20 araw lamang matapos na mahuli si Florante.

Hindi niya binigyan si Laura ng 5 buwan. Ni panugit na isang buwan.

Mabuti na lang at naglakad si Flerida sa gubat. Nakita niya si Adolfo, at dahil batid niya ang mga hangarin nito, ay pinana niya si Adolfo, at dahil batid niya ang mga hangarin nito, ay pinana niya si Adolfo haggang ito’y namatay.

Nagkita-kita ang apat na magkasintahan.

Natagpuan silang apat ni Menandro at ng hukbong naghahanap kay Adolfo. Laking tuwa na lamang nina Menandro nang matagpuan nilang buhay pa sina Florante at Laura.

Hindi nagtagal, nagpakasal si Florante at Laura, at sila’y naging hari at reyna ng Albanya. Nagpabinyag naman sina Aladin at Flerida, nagpakasal din, at bumalik sa Persya upang mamuno sa kanilang kaharian.

Ito ang Buod ng Florante at Laura na isunulat ni Francisco Balagtas aka Francisco Baltazar

Bahagi ng Maikling Kwento
Ang mga bahagi at sangkap ng isang maikling kuwento sa filipino:

Simula

Kabilang sa simula ang mga tauhan, tagpuan, at suliranin. Sa mga tauhan nalalaman kung sinu-sino ang magsisiganap sa kuwento at kung ano ang papel na gaganapan ng bawat isa. Maaaring bida, kontrabida o suportang tauhan. Sa tagpuan nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksyon o mga insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento. At ang bahagi ng suliranin ang siyang kababasahan ng problemang haharapin ng pangunahing tauhan.

Gitna

Binubuo ang gitna ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan. Ang saglit na kasiglahan ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin. Ang tunggalian naman ang bahaging kababasahan ng pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin, na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa kalikasan. Samantalang, ang kasukdulan ang pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.

Wakas

Binubuo ang wakas ng kakalasan at katapusan. Ang kakalasan ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan. At ang katapusan ang bahaging kababasahan ng magiging resolusyon ng kuwento. Maaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.

Gayunpaman, may mga kuwento na hindi laging winawakasan sa pamamagitan ng dalawang huling nabanggit na mga sangkap. Kung minsan, hinahayaan ng may-akda na mabitin ang wakas ng kuwento para bayaang ang mambabasa ang humatol o magpasya kung ano, sa palagay nito, ang maaring kahinatnan ng kuwento.

Philippine PCSO Lotto Results
2D,3D,4D,6D,6/49,6/45,6/42,5/55+1 Philippine Lotto Draw Results

Mahilig magtaya sa lotto ang mga filipino. Lahat ay nais mapanalunan ang milyong milyong salapi na mula sa PCSO. Mahirap ang buhay kaya marami din ang nagtataya sa lotto sa pag asang manalo ng premyo.

Dito mahahanap ang rPhilippine Charity Sweepstakes Office Lotto results:

http://http://www.pcso.gov.ph/

Sa May Bahay ang aming bati – Filipino Christmas Songs
Sa may bahay ang aming bati

Merry Christmas na maluwalhati!

Ang pag-íbig, pag siyàng naghari,

Aràw-áraw ay mágiging Paskó lagí!

Ang sanhî po ng pagparíto,

Ay híhingi po ng aginaldo.

Kung sakáli’t kami’y perhuwísyo

Pasensya na kayó’t kamí’y namámasko!

Halimbawa ng Anekdota: Ang Tsinelas
Ang Tsinelas ni Jose Rizal

Maganda ang dagat at ang ilog sa aming bayan sa Laguna. Bughaw na may halong luntian kapag walang sigwa. Ang tubig sa wawa ay napapaligiran ng mga kawayang sumasayaw na tila umiindak kapag nahihipan ng hangin.

Ang mga bangkang may layag ay parang mga paru-parong puti na naghahabulan.

Ang bangka ay karaniwang gawa sa kahoy na inukit sa matibay na kahoy na nakukuha sa aming gubat. Kung minsan ito ay may dalawang katig na gawa sa matitibay at mahabang kawayan upang ang bangka ay hindi gumiwang kapag ito ay nakatigil sa tubig.

Karamihan sa gamit nito ay pangingisda nguni’t sa aming lalawigan, ang ay ginagamit namin sa paglalakbay lalo na sa pagtawid sa ibayo ng dagat. Mas mabilis ito kaysa gumamit ng kalabaw o ng karetela.

Naalala ko pa noon kasalukuyang kaming nakasakay sa bangka nang humulagpos ang isa kong tsinelas. Ang tsinelas ay ang gamit namin sa pagpasok at pagpunta sa mga lakaran kung saan ang bakya na gawa sa kahoy ay hindi nararapat.

Mabilis itong inanod sa tubig bago ko nahabol para kunin. Malungkot ako dahil iniisip ko ang aking ina na magagalit dahil sa pagkawala ng aking tsinelas.

Tiningnan ako ng nagsasagwan nang kinuha ko ang aking isa pang tsinelas at dali dali kong itinapon sa dagat, kasama ang dasal na mahabol nito ang kapares na tsinelas.

“Bakit mo itinapon ang iyong isa pang tsinelas?” tanong sa akin ng kasamahan ko sa bangka.

“Isang tsinelas ang nawala sa akin at walang silbi sa makakakita. Ang isang tsinelas na nasa akin ay wala ring silbi sa akin. Kung sino man ang makakuha ng pares ng tsinelas ay magagamit niya ito sa kaniyang paglakad.

Napatingin ulit sa akin ang mama. Marahil naunawaan niya ang isang batang katulad ko.

Ano ang Anekdota?
Ang karaniwang paksa ng anekdota ay mga taong kilalasa iba’t ibang larangan ng buhay. Layunin nito ang ipabatid ang isang katangian ng pangunahing tauhan ng anekdota. Minsan ang anekdota ay nagsasalaysay ng mga tunay na pangyayari at mayroon ding minsan na ang mga pangyayari ay bungan isip lamang. Mayroon ding mga anekdota na hindi hango sa talambuhay.

Madalas na may halong katatawanan ang anekdota. Ngunit ito ay naghahatid ng mahalagang aral. Ang mga pangyayaring isinasalaysay sa anekdota ay minsang nagiging pabula na rin, ngunit dahil sa ang mga tauhan ay hindi hayop kundi mga tao, ito’y kapanipaniwala na rin. Ang layunin ng anekdota ay mang-aliw, makapagturo, at makapaglarawan ng ugali at tauhan.

Ano ang Alamat?
Ano ang Alamat? Ang alamat ay nagsasalaysay ng pinagmulan ng isang bagay, lugar, pangyayari o katawagan. Maaaring totoo o likha lamang ng malawak na imahenasyon ng isang manunulat ang mga pangyayari sa alamat. Ang mga na makasaysayan na nagpapagunita ng mga lumipas na panahon ang kadalasang nagiging pinakadiwa ng isang alamat.

Maaaring mula sa malungkot na alaala o sa mga pangyayaring nagpapakilala ng kagitingan at kabayanihan ng ating mga ninuno at iba pang makasaysayang pangyayari ang paksa ng alamat. Layunin ng isang alamat ang sariwain ang mga pangyayaring makasaysayan upang mapukaw ang damdamin ng mga mambabasa at makapagpagunita ng mga bagay na may kinalaman sa nakaraang panahon.

Kung totoo man ang mga pangyayari sa isang alamat, wala naman itong sapat patunay. Bagamat ang alamat ay kathang-isip lamang, ito naman ay nag-aangkin ng kaisipang masagimsim at kariktang walang kupas.