Buod ng Florante at Laura

Marami sa ating mga filipino ang naghahanap Tagalog version ng buod ng Florante at Laura.

Buod ng Florante at Laura ni Francisco Baltazar aka Francisco Balagtas:

Sa umpisa ng Florante at Laura, matatagpuan natin si Florante (anak nina Duke Briseo at ni Prinsesa Floresca) na nakagapos sa puno ng higuera (Fig Tree) sa kagubatan sa labas ng Albanya. Napapaligiran siya ng dalawang leon, na handa nang dambahan si Florante. Sa kabutihang palad, naglalakad din sa kagubatan si Aladin, isang Morong taga-Persya. Anak siya ni Sultan Ali-Adab. Nilisan niya ang kanyang sariling bayan, sapagkat inagaw sa kanya ng sariling ama si Flerida, ang kasintahan ni Aladin.

Narinig ni Aladin sa mga sigaw ni Florante ang mga kuwento ng mga kasamaang ginawa sa Albanya, ang pagpatay sa hari at ng mga ka-alyado nito, at ang di umano’y pagtataksil ni Laura (kasintahan ni Florante). Natagpuan ni Aladin si Florante, at pinatay niya ang mga leon bago pa nila nasaktan si Florante. Tinulungan niya si Florante sa pagkagapos nito, ang magdamag niyang binantayan.

Read the rest of this entry »

Buod ng Ikatlong Kabanata ng Noli Me Tangere

Isa-isa nang nagtungo ang mga panauhin sa hapag kainan, matapos na sila ay tawagin ng utusan. Marami ang pumuri sa kainaman ng handa. Nang ihain na ang tinola, napatama kay Padre Damaso ang pinggang may lamang maraming upo at sabaw. Samantalang ang kay Ibarra ay mga laman. Nakita ito ni Padre Damaso, kaya nang matapos niyang durugin ang upo at higupin ang sabaw ay malakas na binagsak ang kanyang kutsara at biglang isinulong ang pinggan.

Read the rest of this entry »

Buod ng Ikalawang Kabanata ng Noli Me Tangere

Patuloy ang kasiyahan ng mga panauhin sa handaan. Ngunit napatigil ang lahat nang dumating si Kapitan Tiyago na kasama si Don Crisostomo Ibarra na kagagaling lamang ng Europa. Namutla at nandilat si Padre Damaso sa pagkakita sa panauhin. Ikinagulat ni Ibarra ang hindi pakikipagkamay ni Padre Damaso at pagtanggi nito sa matalik na pagkakaibigan nila ng kanyang ama. Ibinaling naman ni Tenyente Guevarra ang atensiyon ni Ibarra sa kanya nang ito’y kanyang batiin at purihin ang kanyang ama.

Read the rest of this entry »

Buod ng Unang Kabanata ng Noli Me Tangere

Magtatapos na ang Oktubre nang si Don Santiago de los Santos na kilala sa tawag na Kapitan Tiyago ay nagdulot ng isang hapunan sa kaniyang tahanan sa dakong tabi ng Anloage. Halos mapuno ang tahanan ni Kapitan Tiyago ng mga kaibigan, kakilala at pati na rin ng mga taong hindi inimbita.

Read the rest of this entry »