Halimbawa ng Tula: Sa Aking Mga Kabata
Sa Aking Mga Kabata ni Jose Rizal Kapagka ang baya’y sadyang umiibig Sa langit salitang kaloob ng langit Sanlang kalayaan nasa ring masapi
Sa Aking Mga Kabata ni Jose Rizal Kapagka ang baya’y sadyang umiibig Sa langit salitang kaloob ng langit Sanlang kalayaan nasa ring masapi
Kahit Saan ni Jose Corazon de Jesus Kung sa mga daang nilalakaran mo, May puting bulaklak ang nagyukong damo Na nang dumaan ka ay biglang tumungo Tila nahihiyang tumunghay sa iyo; Irog iya’y ako!
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya Sa pagkadalisay at pagkadakila Gaya ng pag-ibig sa tinub’ang lupa? Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala… Walang mahalagang hindi inihandog Ng may pusong mahal sa Bayang kumupkop; Dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod, Buhay ma’y abuting magkalagot-lagot…
Sa Mga Bulaklak Ng Heidelberg ni Jose Rizal Pumaroon kayo, inyong ibalitang madilim-dilim pa, Kung kayo, sa bati ng bukang-liwayway, ay bumubukad na, Sa pampang ng Neckar na lubhang malamig ay naroon siya, At sa inyong tabi’y inyong namamasid na parang estatuwa, Ang Tagsibol doong hindi nagbabago’y binubulay niya.
Awit Ng Manlalakbay ni Jose Rizal Kagaya ng dahong nalanta, nalagas, Sinisiklut-siklot ng hanging marahas; Abang manlalakbay ay wala nang liyag, Layuin, kalulwa’t bayang matatawag.