Ano ang Epiko?
Jul 31, 2009 Wikang Pambansa, epiko
Ano ang Epiko? Ang epiko ay mahabang salaysay na patula. Ito ay karaniwang inaawit o binibigkas. Ang epiko ay madalas na patungkol sa mahiwagang pangyayari o kabayanihang kinapapalooban ng mga paniniwala, mga kaugalian, at mga huwaran sa buhay ng mga sinaunang mamamayan ng isang bayan. Ang salaysay ay umiikot sa kabayanihan ng pangunahing tauhan. Ang kwento ay hango kung minsan sa mga karaniwang pangyayari ngunit ang mga tauhan ay kadalasang hango sa mga hindi pangkaraniwang nilalang na mayroong pambihirang katangian
Tags: epiko
