Buod ng Ikatlong Kabanata ng Noli Me Tangere
Jul 30, 2009 nobela
Isa-isa nang nagtungo ang mga panauhin sa hapag kainan, matapos na sila ay tawagin ng utusan. Marami ang pumuri sa kainaman ng handa. Nang ihain na ang tinola, napatama kay Padre Damaso ang pinggang may lamang maraming upo at sabaw. Samantalang ang kay Ibarra ay mga laman. Nakita ito ni Padre Damaso, kaya nang matapos niyang durugin ang upo at higupin ang sabaw ay malakas na binagsak ang kanyang kutsara at biglang isinulong ang pinggan.
Matapos kumain, nakisabat si Padre Damaso sa usapan nina Ibarra at iba pang panauhin. Puro pagpaparungit kay Ibarra ang laman ng kanyang mga pangungusap. Tumindig si Ibarra, itinaas ang isang kopa na inialay sa Espanya at Pilipinas, ininom ang alak na laman nito at pagkatapos ay nagpaalam. Sinubukan siyang pigilan ni Kapitan Tiyago, sapagkat paparating na si Maria Clara, Tiya Isabel at ang bagong kura ng bayan. Ngunit, siya’y lumisan din.
Nang makaalis si Ibarra, ibinulalas ni Padre Damaso ang kaniyang sama ng loob. Ayon naman sa isang binatang naroon, ang paglisan daw ni Ibarra ay tanda ng pagmamataas at dapat ipagbawal ng pamahalaan.Nang gabing iyon, isinulat ng lalaking may mapulang buhok sa Estudios Coloniales ang mga pangyayaring naganap sa kainan.
Tags: buod, jose Rizal, nobela, Noli Me Tangere
