Buod ng Unang Kabanata ng Noli Me Tangere

Magtatapos na ang Oktubre nang si Don Santiago de los Santos na kilala sa tawag na Kapitan Tiyago ay nagdulot ng isang hapunan sa kaniyang tahanan sa dakong tabi ng Anloage. Halos mapuno ang tahanan ni Kapitan Tiyago ng mga kaibigan, kakilala at pati na rin ng mga taong hindi inimbita.

Masaya ang lahat sa nasabing pagtitipon. Ngunit nauwi sa pagtatalo ang kasiyahan ng isang pulutong na kinabibilangan ng dalawang prayle, dalawang sibilyan at isang sundalo. Si Padre Sibyla, ang Dominikong pari ng Binondo at si Padre Damaso, isang Pransiskano, ang dalawang pari. Si Tenyente Guevarra ng guardia civil ang sundalo. Ang isang sibilyan ay pandak at mayroong itim na balbas at matangos na ilong, at ang isa ay may mapulang buhok.

Ang pagbanggit ng pangyayari tungkol sa ereheng namatay ang siyang nagpasiklab ng kalooban ng tenyente. Marahil ay tatagal pa ang pagtatalo ni Padre Damaso at ng Tenyente kung hindi pa sila inawat ni Padre Sybila. Noong lumayo na ang tenyente sa pulutong, unti-unti nang bumalik ang dating katiwasayan ng pagtitipon.