Mga Halimbawa ng Bugtong

Mga halimbawa ng Filipinong Bugtong (Rhymes)

  1. Dalwang magkaibigan. Habulan ng habulan – PAA
  2. Hindi hari, Hindi pari. Nagsusuot ng sari-sari. – SAMPAYAN
  3. Hindi tao, hindi ibon. Bumabalik ‘pag itapon. – YOYO
  4. Mataas kung nakaupo. Mababa kung nakatayo. – ASO
  5. Bahay ni Tinyente. Nag-iisa ang poste. – PAYONG
  6. Palda ni Santa Maria. Kulay ay iba-iba. – BAHAGHARI
  7. Ako ay may kaibigan. Kasama ko kahit saan. – ANINO
  8. Hayan na, Hayan na. ‘Di mo pa makita. – HANGIN
  9. Iisa ang pasukan. Tatlo ang labasan. – DAMIT
  10. Eto na si Kaka, bubukabukaka. – GUNTING
  11. Nagtago si Pedro, labas ang ulo. – PAKO
  12. Hindi reyna. Hindi prinsesa. Ngunit may korona. – BAYABAS
  13. Isang magandang dalaga. ‘Di mabilang ang mata. – MAIS
  14. May langit. May lupa. May tubig. Walang isda. – BUKO
  15. Dalawang batong itim, malayo ang mararating. – MATA
  16. Bahay ni Mang Pedro, punong-puno ng bato. – PAPAYA
  17. Hinila ko ang baging, sumigaw ang matsing. – KAMPANA
  18. Sa isang kalabit, may buhay na kapalit. – BARIL
  19. Isang prinsesa, nakaupo sa tasa. – KASOY
  20. Nagbibigay na, sinasakal pa. – BOTE