Mga Uri ng Dula

Mga Uri ng Dula

Komedya

  • Katawa-tawa, magaan sa loob dalhin ang tema, at ang mga tauhan ay laging nagtatagumpay sa wakas.

Trahedya

  • Kung ang tema nito’y mabigat o nakasasama ng loob kaya nakakaiyak, nakalulunos ang mga tauhan, karaniwang sila ay nasasadlak sa kamalasan, kabiguan, kawalan, at maging sa kamatayan, kaya nagwawakas na malungkot.

  • Melodrama o Soap Opera
  • Kung ito’y sadyang namimiga ng luha sa manonood na parang wala ng masayang bahagi sa buhay ng tahanan kundi pawang problema na lamang ang nangyayari sa araw-araw. Ito’y karaniwang mapanonood sa mga de seryeng palabas.

Tragikomedya

  • Kung magkahalo ang katatawanan at kasawian gaya ng mga dula ni Shakespeare na laging may mga tauhang katawa-tawa tulad ng payaso para magsilbing tagapagpatawa, subalit sa huli’y nagiging malungkot na dahil nasasawi o namamatay ang bida o ang mga bida.

sheena says:

ang gnda ng dula….i ned more pah………….ty….