TULA: Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
Feb 12, 2009 Halimbawa ng Tula
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio
Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa tinub’ang lupa?
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala…
Walang mahalagang hindi inihandog
Ng may pusong mahal sa Bayang kumupkop;
Dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod,
Buhay ma’y abuting magkalagot-lagot…
Tags: Andres Bonifacio, Halimbawa ng Tula, Pag-ibig sa Tinubuang Lupa, tula, Tulang Filipino
