Main Content RSS FeedLatest Entry

Talambuhay ni Jose Rizal

Si Dr. Jose Rizal (Buong Pangalan: José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda) ay nabuhay mula Hunyo 19, 1861 hanggang Disyembre 30, 1896. Si Dr. Jose Rizal ang pambansang bayani ng Pilipinas at siya ay ang pampito sa labing-isang anak ng mag-asawang Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at ng asawa nitong si Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos. Ipinanganak si Jose Rizal sa Calamba, Laguna. Ang kanyang mga kapatid ay sina Saturnina, Paciano, Narcissa, Olimpia, Lucia, Maria, Jose, Concepcion, Josefa, Trinidad at Soledad.

talambuhay ni njose rizal

talambuhay ni njose rizal

Ang ina ni Jose Rizal ay siyang kaniyang unang guro at nagturo sa kaniya ng abakada noong siya ay tatlong taon pa lamang. Noong siya naman ay tumuntong ng siyam na taon, pinadala siya sa Biñan, Laguna upang mag-aral sa ilalim ng pamamatnubay ni Justiano Aquino Cruz. Ilang buwan ang nakalipas, pinayuhan niya ang magulang ni Rizal na pag-aralin siya sa Maynila. Ang Ateneo Municipal de Manila ang unang paaralan sa Maynila na kaniyang pinasukan noong ikadalawa ng Enero 1872. Ayon sa isang salin ng Noli me tangere ni Guzman atbp., sa kaniyang pananatili sa paaralang ito, natanggap niya ang lahat ng mga pangunahing medalya at notang sobresaliente sa lahat ng aklat. Sa paaralan ding ito niya natanggap ang kaniyang Batsilyer sa Sining na may notang sobresalyente kalakip ang pinakamataas na karangalan. Read More..

Recent Entries

Halimbawa ng Tula: Tapunan ng Lingap

Halimbawa ng Tula: Tapunan ng Lingap ni Andres Bonifacio

Sumandaling dinggin itong karaingan
Nagsisipag-inot magbangon ng bayan,
Malaong panahon na nahahandusay
Sa madlang pahirap sa Kastilang lalang.

Nangasaan ngayon, mga ginigiliw,
Ang tapang at dangal na dapat gugulin?
Sa isang matuwid na kilala natin
Ay huwag ang gawang pagtataksil. Read More..

Halimbawa ng Tula: Bawal Magbasa

Bawal Magbasa ni Joseph T. Salazar

Babae ang nagturo sa aming bayan
kung paano bumasa.

Buong yabang ko itong iniliham
kay Chaya, isang kaibigang nananahan
sa isang kubling bayan sa Gitnang Silangan
kung saan ipinagbabawal ang pagbasa
sa kababaihan.

Aniya’y malaking kabalintunaan
sa kapal ng telang nakabalabal
sa mga babae sa kanilang bayan,
tanging mata na lamang
ang nagagamit nila ng malaya,
hindi pa sila nakababasa. Read More..

Buod ng Florante at Laura

Marami sa ating mga filipino ang naghahanap Tagalog version ng buod ng Florante at Laura.

Buod ng Florante at Laura ni Francisco Baltazar aka Francisco Balagtas:

Sa umpisa ng Florante at Laura, matatagpuan natin si Florante (anak nina Duke Briseo at ni Prinsesa Floresca) na nakagapos sa puno ng higuera (Fig Tree) sa kagubatan sa labas ng Albanya. Napapaligiran siya ng dalawang leon, na handa nang dambahan si Florante. Sa kabutihang palad, naglalakad din sa kagubatan si Aladin, isang Morong taga-Persya. Anak siya ni Sultan Ali-Adab. Nilisan niya ang kanyang sariling bayan, sapagkat inagaw sa kanya ng sariling ama si Flerida, ang kasintahan ni Aladin.

Narinig ni Aladin sa mga sigaw ni Florante ang mga kuwento ng mga kasamaang ginawa sa Albanya, ang pagpatay sa hari at ng mga ka-alyado nito, at ang di umano’y pagtataksil ni Laura (kasintahan ni Florante). Natagpuan ni Aladin si Florante, at pinatay niya ang mga leon bago pa nila nasaktan si Florante. Tinulungan niya si Florante sa pagkagapos nito, ang magdamag niyang binantayan. Read More..

Bahagi ng Maikling Kwento

Ang mga bahagi at sangkap ng isang maikling kuwento sa filipino:

Simula
Kabilang sa simula ang mga tauhan, tagpuan, at suliranin. Sa mga tauhan nalalaman kung sinu-sino ang magsisiganap sa kuwento at kung ano ang papel na gaganapan ng bawat isa. Maaaring bida, kontrabida o suportang tauhan. Sa tagpuan nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksyon o mga insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento. At ang bahagi ng suliranin ang siyang kababasahan ng problemang haharapin ng pangunahing tauhan.

Gitna
Binubuo ang gitna ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan. Ang saglit na kasiglahan ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin. Ang tunggalian naman ang bahaging kababasahan ng pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin, na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa kalikasan. Samantalang, ang kasukdulan ang pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban. Read More..

Philippine PCSO Lotto Results

2D,3D,4D,6D,6/49,6/45,6/42,5/55+1 Philippine Lotto Draw Results

Mahilig magtaya sa lotto ang mga filipino. Lahat ay nais mapanalunan ang milyong milyong salapi na mula sa PCSO. Mahirap ang buhay kaya marami din ang nagtataya sa lotto sa pag asang manalo ng premyo.

Dito mahahanap ang rPhilippine Charity Sweepstakes Office Lotto results:
http://http://www.pcso.gov.ph/

Sa May Bahay ang aming bati – Filipino Christmas Songs

Sa may bahay ang aming bati
Merry Christmas na maluwalhati!
Ang pag-íbig, pag siyàng naghari,
Aràw-áraw ay mágiging Paskó lagí!

Ang sanhî po ng pagparíto,
Ay híhingi po ng aginaldo.
Kung sakáli’t kami’y perhuwísyo
Pasensya na kayó’t kamí’y namámasko!

Halimbawa ng Anekdota: Ang Tsinelas

Ang Tsinelas ni Jose Rizal

Maganda ang dagat at ang ilog sa aming bayan sa Laguna. Bughaw na may halong luntian kapag walang sigwa. Ang tubig sa wawa ay napapaligiran ng mga kawayang sumasayaw na tila umiindak kapag nahihipan ng hangin.

Ang mga bangkang may layag ay parang mga paru-parong puti na naghahabulan. Read More..

Ano ang Anekdota?

Ang karaniwang paksa ng anekdota ay mga taong kilalasa iba’t ibang larangan ng buhay. Layunin nito ang ipabatid ang isang katangian ng pangunahing tauhan ng anekdota. Minsan ang anekdota ay nagsasalaysay ng mga tunay na pangyayari at mayroon ding minsan na ang mga pangyayari ay bungan isip lamang. Mayroon ding mga anekdota na hindi hango sa talambuhay.

Read More..

Ano ang Alamat?

Ano ang Alamat? Ang alamat ay nagsasalaysay ng pinagmulan ng isang bagay, lugar, pangyayari o katawagan. Maaaring totoo o likha lamang ng malawak na imahenasyon ng isang manunulat ang mga pangyayari sa alamat. Ang mga na makasaysayan na nagpapagunita ng mga lumipas na panahon ang kadalasang nagiging pinakadiwa ng isang alamat.

Read More..